Senate contingent, bukas na madagdagan ang pondo ng NTF-ELCAC
By Kathleen Forbes - December 6, 2021 , 9:28 pm

Hindi isinasantabi ng Senate contingent sa bicameral conference committee, ang pagdaragdag ng pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa panayam ng media kay Senate Finance Committee Chair Sonny Angara, sinabi niya na hindi nila isinasara ang pinto na madagdagan pa ang pondo ng NTF-ELCAC sa pagsalang ng 2022 national budget sa bicam.

Kung matatandaan mula sa halos P29 billion na NTF-ELCAC budget sa National Expenditure Program na siya rin inaprubahang bersyon ng Kamara, binawasan ito ng senado at tanging P10 billion lamang ang lumusot sa kanilang beryson.

Paglilinaw ni Angara, kung kanila mang itataas ang pondo ng NTF-ELCAC, ito ay para sa mga infrastructure projects sa ilalim ng barangay development program, na visible o talagang makikita at magagamit ng publiko lalo na sa rural areas.

Para naman sa House counterpart na si Appropriations Committee Chair Eric Yap, welcome para sa House of Representatives kung maiaangat ang pondo ng NTF-ELCAC sa bicam lalo at suportado aniya nila ang naturang programa.

YOU MIGHT ALSO LIKE