Senate inquiry ng isyu sa pagitan ni pole vaulter EJ Obiena at ng PATAFA, isinusulong
By Nimfa Asuncion - January 27, 2022 , 2:52 pm

Nais ng dalawang senator na magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa kintrobersiyang kinasangkutan ni pole vaulter EJ obiena at ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa).

Inihain nina Senate President Vicente Sotto III at Senator Pia Cayetano ang Senate Resolution 982, upang magkasa ang Senate Committee on Sports ng pagdinig tungkol sa isyu. 

Ayon sa mga senator, may kagyat na pangangailangan na aksyunan ang isyung ito, upang makapag focus na ang ating world-class athlete na si Obiena sa kanyang training at mga kompetisyon. 

Giniit rin ng mga mambabatas, na binigyang-diin ng kaso ni Obiena ang pangangailangan na pahusayin ang mga kaugnay na batas at patakaran, upang maprotektahan ang kapakanan ng mga atleta.

Partikular anila, upang mapagaan ang pasanin sa gawaing administratibo ng mga atletang nagsasanay sa ibang bansa, dahil sa kakulangan ng agarang tulong na maaari nilang makuha kapag nandito sila sa Pilipinas. 

YOU MIGHT ALSO LIKE