Update sa implimentasyon ng Marawi Rehabilitation, hinihingi
By Kathleen Jean Forbes - May 25, 2020 , 10:27 am

Nanawagan si Anak Mindanao o Amin Partylist Representative Amihilda Sangkopas sa Task Force Bangon Marawi na magbigay ng totoong update hinggil sa implimentasyon ng Marawi Rehabilitation.

Kasunod na rin ito ng ikatlong anibersaryo ng paggunita sa naganap na Marawi Siege.

Aniya kung kinakailangan magsagawa ng “State of Marawi Address” ay dapat itong gawin ng TFBM upang maipaalam at maipaliwanag sa mga residente ng Marawi kung bakit natatagalan ito sa pagpapatupad ng rehabilitasyon ng lungsod.

Dagdag pa ng mambabatas, apat na taon na rin aniyang ginugunita ng mga residente ang Ramadan sa mga temporary shelters.

Sa ngayon nasa 17,000 pang mga internally diplaced person mula sa ground zero o most affected area ang nananatili sa mga tent at temporary shelters.

Dahil dito, nangangamba rin ang kinatawan na mas magiging exposed ang mga kapatid nating Marano sa banta ng COVID-19.

Una nang hiniling ni Deputy Speaker at Basilan Representstive Mujiv Hataman na mapalitan ang liderato ng TFBM dahil sa mabagal aniyang pagpapatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program.

YOU MIGHT ALSO LIKE