!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
11 opisyal, mga miyembro ng Communist Terrorist Group, sumuko sa EastMinCom; Guerrilla Unit sa Compostela Valley, humina na 
By Dang Sabdani-Jumala | RP1 Davao - October 21, 2019 , 2:48 pm

Sumuko sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang apat na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) at pitong miyembro ng Militia ng Bayan.

Hinimok naman ni Lt. General Felimon Santos Jr., commander ng EastMinCom, ang lahat ng lokal na pamahalaan na patuloy na maging tulay ng gobyerno para sa mga CTG member na gustong sumuko, para tuluyan nang matuldukan ang problema sa insurhensiya, habang tinutugis naman ng militar ang mga hardcore member.

Si Alyas Tonton, na isang Manobo at squad leader ng CTG na kumikilos sa Cotabato-Davao City-Bukidnon tri-boundary, ay sumuko sa Barangay Perez, Kidapawan City, North Cotabato, bitbit ang kanyang M16 rifle at ammunition, at nasa kustodiya na ng 72nd Infantry Battalion para sa custodial debriefing and assessment.

Sina alyas Kakar, dating squad leader; Elmo, dating team leader; at Rosa, Supply officer, na kumikilos naman sa Surigao del Sur, ay sumuko sa 3rd Special Forces Battalion sa tulong ng mga barangay official sa Tandag City, dala ang kanilang M4 Bushmaster Carbine Rifles.

Ayon naman sa 71st Infantry Battalion, patuloy na humihina ang guerrilla unit sa Masara Maco at Mawab Compostela Valley, dahil sa pagsuko ng pitong miyembro ng Militia ng Bayan noong Huwebes, October 17.

YOU MIGHT ALSO LIKE