2 sa mga presong nakatakas sa Basilan Provincial Jail, napatay ng militar
By Leo Sarne - October 19, 2020 , 2:19 pm

Napatay ang dalawang presong nakatakas sa Basilan Provincial Jail, matapos nilang maka-enkwentro ang mga tropa ng militar kahapon.

Sa ulat ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng hot pursuit operations ang mga tropa ng 4th Special Forces Battalion nang makaenkwentro nila ang dalawa sa Barangay Cabunbata, Isabela City.

Unang pinaputukan ng dalawa ang mga tropa, na tumuloy sa palitan ng putok, at nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang pugante.

Kinilala ang mga nasawi na si Nurhassan Lahaman, na may kasong murder ar Battuh Kusain Murag, na may kasong multiple murder at frustrated murder, at sangkot din sa Lamitan City bombing, noong 2018.

Na-recover mula sa encounter site ang isang M653 rifle, isang caliber 45 pistol at mga bala.

Samantala, ang isang preso naman na si Mahad Hassan ay nahuli na sa Barangay Calvario noong nakaraang linggo.

Matatandaan na sa nangyaring jail break, walong bilanggo ang nakatakas.

YOU MIGHT ALSO LIKE