22 Centenarians sa Davao region, nabigyan ng P100K
By Nitz Escarpe | RP1 Davao - July 4, 2020 , 7:16 am

 

Dalawampu’t dalawang  centenarians na mga residente ng Davao Region na may isang daang taong gulang at pataas ang edad ay nakatanggap ng tig-P 100,000 na cash gifts. Ito ay regalong pinansyal  mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI.  Sa pamamagitan ito ng Republic Act 10868 na may pamagat na Centenarians Act of 2016.

Inihayag ng DSWD XI na lahat ng Filipino na nakarating ng isang daang taong gulang, nakatira man sa Pilipinas o abroad ay binibigyan ng parangal sa pamamagitan ng Letter of Felicitation mula sa Presidente ng Pilipinas. Ito ay bilang pagkilala at  pagbibigay ng  nakakaligayang cash gift sa halagang P 100,000 dahil sa haba ng kanilang buhay.

Patuloy ang DSWD sa pagpapatupad ng pangako nito para makapagbigay ng mga programa at serbisyo para sa mga pinakabulnerableng sektor ng lipunan, lalo na sa mga senior citizens. Ito ay bilang pagkilala at pagbibigay sa kanila ng parangal dahil sa kanilang nagawang kontribyusyon sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE