7 miyembro ng BIFF sa North Cotabato, sumuko sa militar
By Jaymark Dagala - May 21, 2022 , 3:58 pm

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng 90th Infantry Batallion ng Philippine Army ang nasa 7 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF. 

Ito’y kasunod ng kanilang pagsuko sa alkalde ng Pikit, North Cotabato na si Mayor Sumulong Sultan at Col. Jovencio Gonzales na Commander 602nd Infantry Brigade.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Aguinaldo, kinilala ng militar ang mga nagsisuko na sina Mamao Abdurahman, Barager Amella Akmad, Norolam Zacaria Akmad, Sandoto Mamental Guialil, Abdul Hamid Malawi, Emran Kugang Alimama at Jehad Samad. 

Kasama ng mga sumuko ang kanilang mga bitbit na amas tulad ng Garand at Carbine files, homemade M14 at Caliber 50 Barret rifles, M203 Granade launcher kasama ang mga bala nito. 

Ikinatuwa naman ni AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino ang hakbang na ito ng mga sumukong bandido na patunay ng pagtatagumpay ng pamahalaan sa laban nito kontra terrorismo.

YOU MIGHT ALSO LIKE