!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
701 aftershocks, naitala sa Davao
By Dang Sabdani-Jumala - October 21, 2019 , 11:13 am

Umabot na sa 701 ang bilang ng aftershocks na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Davao, kaninang alas-12 ng madaling araw.

Ayon kay Kris Vidad, science research assistant ng Phivolcs, ang mga aftershock ay bunga ng 6.3 magnitude na lindol sa Tulunan, Cotabato.

Kagabi lamang niyanig ng tatlong magkasunod na aftershocks ang lungsod ng Davao, kung saan intensity 4 ang pinakamalakas na naramdaman.

Nilinaw naman ni Vidad na hindi bahagi ng aftershocks ang pagyanig na naitala sa Davao Oriental.

Pinag-iingat ng opisyal ang publiko, dahil sa mga nangyayaring aftershocks na inaasahang magpapatuloy pa rin.

Maliban pa dito, pinaalalahanan ni Vidad ang publiko na iwasang ikalat ang mga maling impormasyon na nagsasabing may darating pang malakas na lindol na tatama umano sa Davao City.

Aniya, sa panahon ngayon na maya’t maya ay may mga aftershock, dapat na maging responsableng mamamayan ang lahat at alamin kung mula sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno nanggaling ang report.

YOU MIGHT ALSO LIKE