93% ng mga nasawi sa COVID-19 sa Zamboanga, di bakunado — CHO
By Shirly Espino | RP1 Zamboanga - January 27, 2022 , 1:12 pm

Iniulat ng City Health Office (CHO) na nasa 93% ng mga nasawi sa COVID-19 sa lungsod ng Zamboanga ay mga pasyenteng hindi nabakunahan ng panlaban sa virus.

Ayon kay Assistant City Health Officer Dr. Cathy Garcia, sa kabuuang 1,122 mortality cases na naitala sa Zamboanga, 1,049 o 93% ang hindi bakunado.

Nasa 7% naman aniya o 73 ang nasawi na bakunado laban sa COVID-19.

Dagdag pa ni Dr. Garcia, hindi pa aabot sa 1% ng mga naturukan ng bakuna ang nakaranas ng breakthrough infections.

Sa pinakahuling tala ng City Health Office, 69% ng total population sa siyudad ang partially vaccinated habang 65% naman ang fully vaccinated.

YOU MIGHT ALSO LIKE