Aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa Zamboanga, umakyat sa 1,473
By Bless Eboyan | RP1 Zamboanga - January 23, 2022 , 11:42 am

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Zamboanga.

Ito’y matapos na makapagtala ng 227 karagdagang kaso sa pinakahuling datos na inilabas ng COVID-19 Data Tracker ng lungsod.

Ang mga bagong karagdagang kaso ay maikokonsiderang pinakamataas para sa ngayong buwan ng Enero, taong kasalukuyan.

Sa ngayon ay nasa 24,235 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng nasabing sakit at 1,473 naman dito ang aktibong kaso kung saan community transmission pa rin ang pangunahing dahilan ng pagtaas nito.

Nasa 61.1% sa mga aktibong kaso ang asymptomatic, 37.9% ang mild, 1.4% ang moderate, .2% ang severe habang .4% naman ang mga nasa kritikal ang mga kondisyon.

YOU MIGHT ALSO LIKE