Cashless payment option sa mga negosyo, isinusulong sa Antipolo City
By Merry Ann Bastasa - June 2, 2020 , 10:45 am

Sa ilalim ng new normal, isinusulong ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares ang paggamit ng cashless payment option sa lahat ng business establishment sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ito ay upang matiyak na maiiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa kabila ng pagbubukas ng mas maraming negosyo.

Aniya, kailangan nang makasanayan ang ganitong paraan na mas mabilis, at convenient para sa mga customer.

Sinabi ng alkalde, na may nakasalang nang panukala sa konseho para obligahin ang mga negosyante na magkaroon ng cashless transaction bilang payment option.

Habang wala pa ito, hinikayat ni Ynares ang mga negosyante, na buksan ang paymnet option gaya ng digital payment at mobile wallet services.

Mananatiling optional naman ito para sa mga mamimili at mga kliyente.

YOU MIGHT ALSO LIKE