Contact tracing, palalakasin sa Davao City
By Nitz Escarpe | RP1 Davao - June 1, 2020 , 11:02 pm

Nais ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na palakasin ang contact tracing at surveillance para matuntun at matukoy ang mga taong pinaghihinalaang nakapitan ng COVID-19.

Ayon sa alkade, kung kinakailangang mag hire ng mga tao, gagawin ito para mapalakas ang naturang hakbang. Dagdag ni Mayor Sara, ang Davao City Police Office (DCPO) ay pumupuno sa hangarin ng syudad at meron itong binuong tracing teams.

Lalo kasing dumarami ang kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa syudad. Dumarami rin ang mga dapat mahanap na nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Lalong umakyat ang bilang simula nang nagkaroon ng sweeper flights at nagpatupad ng General Commumity Quarantine ang syudad.

Sa pinakahuling datos ng Department og Health ( DOH) Davao Region, may pinakaraming kaso ng COVID-19 ang Davao City sa buong rehiyon na nasa 300, nasa 127 ang gumaling, at 25 ang nasawi.

YOU MIGHT ALSO LIKE