Davao City government, idadaan sa virtual ang Chinese New Year Celebration
By Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao - January 23, 2022 , 1:57 pm

Inanunsyo ng Davao City Government na magsasagawa ito ng virtual celebration ng Chinese New Year ngayong January 31, 2022 ng gabi.

Nagkaisa ang Davao City Government, Davao City Tourism Operations Office at Davao City Chinatown Development Council para sa gagawing virtual event.

Paraan ito ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang mass gathering lalo na ngayong panahon kungsaan mataas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Inanyayahan naman ng City government ng Davao ang publiko na makisaya sa gagawing virtual celebration ng Chinese New Year sa lungsod.

YOU MIGHT ALSO LIKE