Davao Oriental Provincial Government, muling nagpatupad ng curfew dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases
By Maymay Benedicto | RP1 Davao - October 19, 2020 , 7:52 pm

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, muling ipinatutupad ng Davao Oriental Provincial Government ang curfew sa probinsya.

Batay sa Executive Order No. 43 na ipinalabas ng Davao Oriental, simula ngayong araw, ipatutupad ang curfew mula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Pinahihintulutan lamang lumabas sa oras ng curfew ang mga indbidwal na exempted batay sa Sangguniang Panlalawigan Ordinance on Curfew na kinabibilangan ng mga empleyadong naka-duty sa oras ng curfew;  public utility workers; hospital personnel; at mga emergency responder at security forces.  

Alinsunod sa naturang EO, muli ring ipatutupad ang liquor ban sa probinsya kasabay sa oras ng curfew.

Ayon sa Davao Oriental Provincial Government, layunin ng curfew na makontrol ang patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa probinsya,

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health XI, aabot na sa 301 ang kaso ng COVID-19 sa probinsya, 16 dito ang aktibong kaso.

YOU MIGHT ALSO LIKE