DepEd-Panabo sa Davao del Norte handa na para sa “new normal”
By Dang Sabdani-Jumala | RP1 Davao - May 30, 2020 , 1:05 pm

Handa na ang Department of Education o DepEd-Panabo City, Davao del Norte na yakapin ang “new normal” sa larangan ng edukasyon.

Ang pagtiyak ay ginawa ni DepEd-Panabo City Schools Division Superintendent Dr. Reynante Solitario, kasabay ng pagsasabing batay sa kanilang management committee handa na sila sa anumang sitwasyon.

Paliwanag ni Solitario sa “new normal”, may mga gagawing Learning Continuity Plan (LCP) ang mga principal at school head upang kanilang masuri ang pamamaraan ng pagtuturo batay sa survey na kanilang ginawa sa mga magulang.

Sa nasabing survey lumalabas na karamihan ng mga magulang ay mas piniling ipatupad ang home-based o sa bahay na lang mag-aaral ang mga estudyante.

Pangalawa, dahil hindi lahat ay may access sa internet, sinabi ni Solitario na sa ilalim ng LCP, maaring piliin ng mga bata ang modular o instructional design base bilang essential Learning Competency.

Pangatlo, maari ding pillin ang radio-based intruction sa pamamagitan ng programa sa mga sa lokal na himpilan ng radyo, at panghuli, ay ang Blended Learning na maaaring gumamit ng mga teknolohiya o ICT , pagkatapos dumaan ang estudyante sa modular learning.

Ayon pa kay Solitario, handa din aniya ang DepEd na tulungan ang mga pribadong eskuwelahan, sa pamamagitan ng “DepEd Commons”.

Ikakasa din ng DepEd-Panabo ang e-Brigada Eskwela sa June 1 hanggang June 6, at bibigyan din ng opsyon ang mga magulang hinggil sa enrollment ng kanilang mga estudyante gamit ang online Google sheets.

YOU MIGHT ALSO LIKE