DICT, magbibigay ng libreng internet access sa mga conflict-affected areas sa lalawigan ng Cotabato
By Nitz Escarpe | RP1 Davao - October 16, 2020 , 6:12 pm

Inihayag ni Cotabato Provincial Planning and Development Office personnel James Labiano  na magkakaroon ng  free internet access program ang Department of Information and Communications Technology (DICT).  

Target nitong abutin ang mga conflict-affected areas bilang  mga benepisyaryo  ng  programa  nito sa lalawigan. 

Inihayag ito ni Labiano sa Provincial Development Council (PDC) Meeting.

Ang naturang meeting na pinangunahan ni Cotabato Governor Nancy Catamco ay ginanap sa Provincial Capitol Rooftop na matatagpuan sa Barangay Amas sa Kidapawan City. 

Highlight rin sa naturang meeting ang ammendment ng PDC Resolution No. 36, series of 2020 hinggil sa usaping  pagsama-samahin  ang iba’t bang Program Project, Activities (PPAs) sa ilalim ang Gender and Development para sa  Supplemental Investment Program No.3 for appropriate action.

YOU MIGHT ALSO LIKE