!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
DSWD XI, magsasagawa ng assessment sa Magsaysay, Davao Del Sur
By Dang Sabdani-Jumala - October 21, 2019 , 10:50 am

Sisimulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Davao, ngayong araw ng Lunes, October 21 hanggang October 23 ang Rapid Assessment and Needs Analysis o RDANA, sa bayan ng Magsaysay, Davao del Sur.

Nabatid kay Carmela Duron, information officer ng DSWD XI, layon ng RDANA na alamin ang bilang ng mga bahay na totally at partially damaged bunsod ng 6.3 magnitude na lindol, para sa posibleng pamimigay ng tulong pinansiyal.

Ayon kay Duron, namahagi ang DSWD XI ng 600 family food packs at 170 sleeping kits sa munisipalidad ng Magsaysay, habang 300 family food packs naman at 60 sleeping kits ang naipamigay sa Bansalan, Davao del Sur.

  

Sa tala ng ahensiya, nasa 847 na pamilya mula sa 36 na mga barangay sa probinsiya ng Davao del Sur ang apektado ng lindol.

Sa Davao City naman, sinabi ni Duron, wala pa silang natanggap na report hinggil sa pamilyang naapektuhan ng lindol.

Nagsagawa din ng psychosocial intervention ang ahensiya sa mga survivor.

YOU MIGHT ALSO LIKE