Lalawigan ng Batanes, balik MGCQ simula bukas October 14
By Rodelyn Amboy - October 13, 2020 , 9:00 pm

Balik modified general community quarantine (MGCQ) ang Lalawigan ng Batanes, simula mamayang hatinggabi, October 14, 2020. Ito ay matapos matagumpay na maiwasan ang local transmission ng sakit na COVID-19 sa probinsya.

Matatandaan na sumailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) noong September 30, 2020 ang probinsya, matapos makumpirma ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Nasundan pa ito ng pangalawang positibong kaso ng COVID-19 noong October 1, na pawang galing sa iisang grupo ng mga LSI na dumating nitong September 22.

Kinalaunan ay isinailalim din ang probinsya sa mas maluwag na MGCQ, na matatapos ngayong araw, October 13, 2020.

Sa inilabas na Executive Order No. 44, series of 2020 ng lokal na pamahalaan ng lalawigan, maaari nang magbalik sa full operating capacity ang mga opisina sa pribado at pampublikong mga opisina.

Pinapayagan na rin ang indoor at outdoor non-contact sports, katulad na lamang ng jogging, running, swimming, biking, at badminton.

Papayagan na rin ang mass gatherings katulad ng religious services, conferences, at entertainment activities, bastat susundin ang 50 percent ng seating o venue capacity.

Samantala, dahil nasimulan na ang mga klase nitong October, maaari na ring magsagawa ng limited face to face classes sa mga kolehiyo na may konsultasyon sa mga local government unit (LGU), pagsunod sa minimum health standards, at mga alituntunin ng Commission on Higher Education (CHED).

YOU MIGHT ALSO LIKE