Lungsod ng Dipolog, Zamboanga del Norte, nanguna sa pamimigay ng food packs bilang handog pamasko sa mga residente
By Bless Eboyan | RP1 Zamboanga - December 5, 2021 , 12:29 pm

Naging matagumpay ang isinagawang pamamahagi ng food packs kamakailan bilang “Handog Pamasko” ng lokal na pamahalaan ng Dipolog sa probinsya ng Zamboanga del Norte.

Pinangunahan mismo ni Dipolog City Mayor Darel Dexter Uy ang naturang aktibidad sa dalawang barangay sa lunsod.

Ang dalawang barangay ay ang Barangay Cogon at Sangkol at naging posible ito dahil na rin sa inisyatiba ng tanggapan ng City Social Welfare and Development Office.

Dumalo rin sa aktibidad si 2nd District Congressman Atty. Roseller Barinaga na syang isa rin sa nanguna upang maging matagumpay ang pamimigay ng tulong sa mga residente.

Aabot sa 500 ang mga benepisyaryo mula sa Barangay Cogon habang 538 naman mula sa Barangay Sangkol ang nakatanggap ng food packs na binubuo ng mga bigas at delata at iba pang maaring makatulong sa mga ito.

Panawagan ng alkalde at kongresista sa mga residente na patuloy na magkaisa lalo na ngayong mayroong nararanasang pandemya kasabay ng paalala na maging masunurin sa mga ipinapatupad na mga protocols upang makaiwas sa sakit na COVID-19.

YOU MIGHT ALSO LIKE