Mahigit 30,000 PWDs mula sa apat na rehiyon, nabigyan ng tulong ng DSWD sa ilalim ng SAP
By Kathleen Jean Forbes - July 3, 2020 , 4:48 pm

Kabuuang 38,269 na persons with disability o PWDs mula sa CALABARZON, MIMAROPA, SOCCSKSARGEN at CARAGA ang naabutan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Pero ayon kay DSWD-Program Management Bureau (PMB) Sectoral Programs Division Chief Miramel Laxa, hindi pa ito ang kabuuang bilang ng kanilang mga natulungang PWDs sa ilalim ng SAP dahil kasalukuyan pang sumasailalim sa consolidation at validation ang mga datos.

Aminado naman si Laxana bunsod ng ipinatupad na community quarantine at lockdown ay bumaba ang mga PWD na kanilang naserbisyuhan sa kanilang crisis intervention unit.

Base sa datos mula January hanggang May 2020, ay umabot sa 1,187 ang mga PWD na kanilang naserbisyuhan.

Pinakamataas ang kanilang clients served noong February and March partikular sa kanilang medical assistance na nasa 712 at 453.

Ngunit noong April at May at bumaba lamang ito sa tig-isa.

YOU MIGHT ALSO LIKE