Mga miyembro ng 4Ps sa 12 bayan sa lalawigan ng Laguna tumanggap ng tig-P15k
By Tom Alvarez | RP1 Lucena - December 5, 2021 , 12:44 pm

Tumanggap ng P15,000 bawat isa ang 338 kwalipikadong miyembro ng 4Ps mula sa 12 bayan sa lalawigan ng Laguna sa pamamagitan ng Ratsada Laguna para sa Paghahanapbuhay ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa opisyal na pabatid ni Laguna Governor Ramil Hernandez, ito ay bahagi ng programang Livelihood Assistance Grant ng DSWD.

Ayon pa sa gobernador ay hinahangad niya na mas mapalawak pa ang maabot ng programang “Ratsada sa Laguna Para sa Hanapbuhay” para sa ikauunlad ng bawat Lagunense.

Kanya ring pinasalamatan ang PESO at mga Municipal PESO na magkatuwang na nag-asikaso sa mga dokumento ng mga benepisyaryo.

YOU MIGHT ALSO LIKE