Mga residente ng Santo Tomas, Davao del Norte na sumailalim sa Balik Probinsya program, makakatanggap ng hanggang ₱50,000 na ayuda
By Armando Fenequito | RP1 Davao - December 7, 2021 , 10:50 am

Makakatanggap ng hanggang ₱50,000 na ayuda ang 23 na dating residente ng Santo Tomas, Davao del Norte na sumailalim sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2) ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Santo Tomas Mayor Ernesto Evangelista na ang nasabing halaga ay tulong para sa kabuhayan ng mga babalik na residente mula National Capital Region (NCR).

Kukunin naman ang nasabing pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan pumirma na sila ng kasunduan para dito.

Malaki naman nag pasasalamat ng alkalde dahil sa tulong at suporta ng ahensya para makabalik ang ilan nitong mga kababayan na nakipagsapalaran sa Kamaynilaan.

YOU MIGHT ALSO LIKE