P41-M halaga ng tseke, tinanggap ng LGU para ipambili ng mga medical equipment ng Davao Occidental General Hospital
By Macel Mamon Dasalla | RP1 Davao - December 5, 2021 , 12:38 pm

Malaki ang pasasalamat ng mga taga-Davao Occidental sa iniabot ng tulong mula sa Department of Health (DOH) at Office of the Special Assistant to the President (OSAP) para sa Davao Occidental Provincial Hospital.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan noong Biyernes December 3, tuloy parin ang pag-abot ng tsekeng nagkakahalaga ng P37.5M para sa mga medical equipment ng O.R. at E.R. ng Davao Occidental General Hospital at isa pang P3.5M na pambili ng mga hospital beds.

Tinanggap ni Cong, Lorna Bautista Bandigan, Gov. Claude Bautista, Vice Gov. Franklin Bautista at Malita Mayor Bradly Bautista ang tseke na dinaluhan din ng mga Barangay Captain.

Nakatakdang buksan sa susunod na buwan Enero 2022 ang Davao Occidental General Hospital.

YOU MIGHT ALSO LIKE