Pagpaslang sa Mayor ng Al-Barka, kinondena ni Deputy Speaker Hataman
By Kathleen Jean Forbes - December 7, 2021 , 10:03 am

Mariing kinukundena ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman ang pananambang kina Al-Barka Municipal Mayor Darussalam Lajid at Akbar Mayor Alih Salih ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Zamboanga City.

Nasawi sa pamamaril si Lajid at aide na si Barad Nuruddin habang kritikal naman si Salih at isa pang aide.

Ayon kay Hataman, kahit hindi sila magkakapartido ay kapwa sila BasileƱo na ang hangad din ay mabuti para sa kanilang lalawigan at mga kababayan.

Katunayan ay matalik aniya niyang kaibigan ang dalawang alkalde.

Kasabay nito ay kinalampag ng kongresista ang mga awtoridad na imbestigahang mabuti ang insidente at papanagutin ang mga responsable sa krimen.

YOU MIGHT ALSO LIKE