Plano para sa pagbabalik ng face-to-face classes, dapat nang ihanda ng DepEd bago magpalit ng administrasyon
By Kathleen Jean Forbes - January 27, 2022 , 11:24 am

Pinatitiyak ni Albay Representative Joey Salceda sa Department of Education (DepEd) na kasama sa bubuoin nitong transition plan para sa susunod na administrasyon ang pagbabalik ng in-person classes.

Ayon sa mambabatas, posibleng Agosto o Setyembre ay makakabalik sa face-to-face classes na ang mga paaralan at ito ay sa ilalim na ng bagong administrasyon.

Dahil dito, dapat maaga pa lamang ay mayroon nang mailatag na “manual” ang DepEd na magiging gabay ng susunod na administrasyon.

Hindi kasi aniya maaaring back to zero o balik sa simula ang susunod na administrasyon oras na saluhin nito ang pamamahala sa public school system.

Una nang nanawagan si Salceda sa DepEd na maglatag ng catch-up plan upang tugunan ang learning gap sa mga mag-aaral bunsod ng COVID-19 pandemic.

YOU MIGHT ALSO LIKE