PNP, nakapagtala ng 41 bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay
By Leo Sarne - October 20, 2020 , 7:54 am

Nasa 6,768 na ang kabuuang bilang ng Philippine National Police (PNP) personnel na nagpositibo sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 41 bagong kaso.

Base sa ulat ng PNP Health Service as of 6PM kagabi, pinakamarami sa mga bagong kaso ay mula Police Regional Office (PRO) 11 na may pito.

Tig-anim na bagong kaso naman ang iniulat sa PRO 10 at PRO-Cordillera; tig-apat sa NCRPO at PRO 7; tatlo sa PRO 13; tig-dalawa sa National Headquarters, National operational support units, PRO-1, PRO-4A, at PRO-9; habang tig-isang kaso naman sa PRO-3, PRO-6, at PRO-8.

Nakapagtala rin ang PNP Health Service ng 25 bagong recoveries kaya umabot na sa 6,130 ang kabuuang bilang ng mga nagpositbong PNP personnel na gumaling mula sa sakit.

Dahil dito nasa 617 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP, at nananatili sa 21 ang nasawi dahil sa naturang sakit.

YOU MIGHT ALSO LIKE