Publiko, hinimok ng isang mambabatas na samantalahin ang ikalawang Bayanihan, Bakunahan
By Kathleen Jean Forbes - December 7, 2021 , 12:17 pm

Hinimok ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang publiko, partikular ang kanyang mga kababayang Cagayanon na samantalahin ang ikalawang Bayanihan, Bakunahan sa susunod na linggo. 

Ayon sa Cagayan de Oro solon, mahalagang ma-sustain ang matagumpay na vaccination campaign ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapaturok ng booster shots. 

Ito aniya ay dagdag proteksyon na rin laban sa Omicron variant. 

Umapela rin ang kinatawan sa mga hindi pa talaga nababakunahan na magpaturok na ng bakuna 

Pagbibigay-diin ng mambabatas na sa pagpapabakuna at patuloy na pagsunod sa health protocols ay patuloy na maibababa ang kaso ng sakit.

Pinapurihan din ni Rodriguez ang mga city health officials matapos na walang kaso na naitala sa lungsod nitong weekend. 

YOU MIGHT ALSO LIKE