!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Sen. Go, nag-abot ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Magsaysay, Davao del Sur
By Armando Fenequito - October 22, 2019 , 11:37 am

Nag-abot ng tulong si Senador Bong Go sa mga nabiktima ng lindol sa bayan ng Magsaysay, Davao del Sur kahapon.

Dala ng senador ang tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para magbigay ayuda sa mga biktima, na aabot sa 1,180 na pamilya.

Nakatanggap ng cash assistance at mga construction material ang nabiktima ng lindol, para muling maipatayo ang mga nasirang kabahayan sa lungsod.

Bibigyan rin ng pangkabuhayan ang mga biktima para magamit sa kanilang muling pagbangon.

May pabahay rin na ibibigay para mga kwalipikadong biktima mula sa National Housing Authority (NHA).

Sasagutin din ni Go ang mga gastusin sa pagpapagamot sa mga taong nasugatan sa pagyanig ng lindol.

YOU MIGHT ALSO LIKE