Radyo Pilipinas Uno
Tuklasin ang mga imbensiyong life-saver at sure na magagamit sa panahon ng sakuna para manatiling laging handa. Palawakin ang ating kaalaman tungkol sa Mobile Command Center at Fire Blanket na 100% tatak Pinoy.
We look into the fast-approaching National Quincentennial Commemorations, and get a better understanding of its theme: Victory and Humanity.
Ano ang programang Tuklas Lunas ng DOST at ano ang ginagampanang papel nito sa drug discovery and development sa bansa?
Ngayong Year of the Rat, alamin natin bakit madalas ginagamit ang mga daga sa research at laboratory testing?
Ano ang trauma, mga kaganapan na maaaring magsanhi nito sa gitna ng kalamidad at mga epekto nito sa mga bata, maging kung paano ito tutugunan? Unawain kasama si Dr. Lorelei Vinluan, UPD College of Education Division of Educational Leadership and Professional Services Chair.
Paano nakatutulong ang Project Tanglaw at Program SCALE sa pangangalaga ng Laguna Lake?
Ano ang mas malala, ang Novel Coronavirus o ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na una ring kumalat sa China?
Alamin ang mga prayoridad na programa ng regional offices ng DOST ngayong 2020 maging ang mga kasalukuyang iniimplementang programa kagaya ng banner program ng ahensya na Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP), kasama si DOST Undersecretary for Regional Operations Brenda Nazareth-Manzano.
Ano ang maitutulong ng home economics sa paghubog ng pagkatao ng isang bata? Alamin sa talakayang ito kasama ang ating panauhin na eksperto sa early childhood education and care.
Hindi na matawaran ang sunud-sunod na pagsuko ng mga dating rebelde sa probinsya ng Bukidnon. Sa loob ng ilang buwan, halos isang daan na ang mga former rebel na nag-ober da bakod. Bukod kasi dismayado sila sa mga pangako ng maayos at matiwasay na buhay sa poder ng rebeldeng grupo, nauuwi lang sila sa gutom at hirap. Kaya sa kanilang pagbabalik-loob, unti-unti nilang nararamdaman ang sensiridad ng pamahalaan na tulungan sila para sa pangarap nilang komportable at masaganang buhay.
Ano ang priority programs ng DOST ngayong 2020? Alamin sa talakayang ito kasama si Usec. Guevara ng Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST).
Ano ang dapat gawin sakaling magkaroon ng allergic rhinitis o ma-expose sa ash fall?
Ano ang pinagkaiba ng heart attack sa heart failure? Narito ang sagot ni Dr. Claro V. Cayanan sa Doctor on Board Podcast.
Ano ang maitutulong ng musika sa early childhood development at paano ito mai-introduce sa mga bata?
Umiikot ngayon ang library-on-wheels sa Lungsod ng Iligan para magbigay ng libreng serbisyo sa mga kabataan. May mga pulis din na naka-duty ang nagtuturo sa mga bata na magsulat at magbasa. Malaya rin silang pumili at makapag-uwi ng mga libro na kanilang magugustuhan.
Ano ang mga katangian ng mga batang nasa pre-reading stage at paano sila tutulungang magbasa?
Aabot sa halos 3 milyong piso ang pabuya ng gobyerno sa mga higit isang daang rebelde na sumuko sa Northern Mindanao o Region 10. Bukod sa natanggap nilang ayuda, layon ding mabago ang kanilang buhay at makapagsimula nang mas matiwasay kaysa dati. Kaya naman sa ilalim ng Executive Order No. 70 na nilagdaan ng Pangulo Rodrigo Roa Duterte, nakapaloob ang Enhance Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) na naglalayon na maiangat ang buhay hindi lang ng mga sumukong rebelde kundi ang buong pamilya at komunidad na kanilang kinabibilangan.
Lakas loob na sumugod ang mga magulang mula Bukidnon sa isang radio station para manawagan sa mga rebeldeng grupo na isauli ang kanilang mga anak. Aminado sila na napilitang sumanib ang kanilang mga anak sa NPA dahil sa hirap ng buhay. Nabulag sila sa mga pangakong matiwasay na buhay ng mga rebeldeng grupo. Umaasa ang mga magulang na makakasama na nila ang kanilang mga anak sa pagpasok ng bagong taon.
Isang mag-asawa sa Bukidnon ang nagawang iwan ang kanilang dalawang anak para sumanib sa New People’s Army dahil sa mga pangakong mas gaganda ang kanilang buhay. Pero matapos ang dalawang taon, lahat ng pangako ay napako. Nagising ang mag-asawa sa mga panlilinlang ng mga rebeldeng grupo. Kaya kahit nasa peligro ang kanilang buhay, lakas loob silang tumakas at ngayon ay nagsisimula ng bagong buhay kasama ang kanilang dalawang anak.
Sa ilalim ng Executive Order 70 na nilagdaan ni President Rodrigo Roa Duterte noong nakaraang taon, binuo ang National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict na naglalayon na mapalaganap ang maayos na sistema para kapayaan at kaayusan ng bansa.
Kabilang ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) sa programa na isinasagawa ngayon para sa mga sumukong rebelde na nais magbagong buhay.
Sa programang ECLIP, sumasalilalim ang isang dating rebelde sa mga training para maayos ang iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay. Sa programa ring ito makikita ang dedikasyon ng gobyerno na mabigyan ng maayos na buhay ang mga dating rebelde at palaganapin ang tunay na kapayaan saan mang sulok ng Pilipinas.
Ano ang dramatic o pretend play at ano ang halaga nito sa development ng mga bata?
Tama na, Sobra na! yan ang sigaw ng Umayamon at Higaonon tribe leaders sa mga rebeldeng New People Army sa kanilang lugar. Bukod kasi sa mga panggugulo, ilang mga lupain nila ang sinasakop at nasisira para sa makasariling ambisyon ng rebeldeng grupo. Ang masakit pa, nililinlang nila ang mga kabataan para ito ay magrebelde at sumanib sa kanilang hanay. Bago pa mahuli ang lahat, gumagawa na sila ng hakbang katuwang ang pamahalaan para hindi tuluyang masakop at manggulo ang rebeldeng grupo sa kanilang masaya at mapayapang komunidad.
Labing-isang barangay sa isang munisipalidad ng Bukidnon province ang nagsanib-pwersa para ideklarang persona non-grata ang mga rebeldeng grupo na Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA). Isang resolusyon na suportado ng lokal na pamahalaan ang kanilang nilagdaan bilang pagpapakita ng pagkundena sa mga panggugulo at pananakot ng grupo sa kanilang pamayananan. Para sa kanila, tama na, sobra na at kailangan ng wakasan ang maling gawain ng mga rebeldeng grupo.
Ano ang mandato ng National Commission on Muslim Filipino (NCMF) at may kaugnayan ba ito sa industriya ng Halal sa bansa?
Ano nga ba ang mindfulness practice para sa mga bata, bakit at paano ito isinasagawa?
Tuloy ang laban ng isang babaeng sibilyan para sa kanyang ka-live in partner na pinatay ng mga rebeldeng grupo na CPP-NPA sa probinsya ng Bukidnon. Kwento niya, wala siyang nakikitang ibang dahilan kung bakit pinaslang ang kanyang kinakasama na miyembro ng CAFGU. Kaya naman desidido siyang lumaban at nananawagan sa mga human rights group para panagutin ang mga rebeldeng grupo sa ginawang karahasan na siyang tumapos sa buhay ng kanyang kasintahan.
Samahan ang Radyo Bulilit sa talakayan tungkol sa “Child’s Rights to Survival” o karapatan ng mga batang mabuhay at mabigyan ng mga pangunahing pangangailangan, kabilang na ang mabuting kalusugan.
Ano ang sakit sa balat na eczema, mga sintomas at sanhi nito at paano ito malulunasan?
Pakinggan kung ano ang mga benepisyo sa bansa ng mga Science and Technology collaboration sa pagitan ng Pilipinas at ng ibang mga bansa kagaya ng China at Russia sa panayam na ito kay DOST Asec. Leah Buendia.
Alamin kung ano ang programa ng NICER patungkol sa kalusugan sa panahon ng sakuna.
Ano ang layunin ng NICER program at paano ito makatutulong sa regional development?
Alamin ang iba’t ibang porma ng karahasan laban sa mga kabataan at unawain kung paano mapuproteksyunan ang ating mga anak sa diskusyong ito kasama si Mr. Jess Far, Child Protection Specialist ng UNICEF Philippines.
Marami sa ating mga kababayan sa probinsya na nakatira sa liblib na lugar ang madalas nabibiktima ng mga rebeldeng grupo gaya ng CPP-NPA. Ang iba ay nahihikayat sa mga pangakong mas maganda at mas masaganang buhay. Pero ayon sa dating rebelde na si Otto, lahat ng mga pangako ay nauwi sa wala. Kaya naman makalipas ang ilang taon na pag-anib sa rebeldeng grupo, napagdesisyunan niyang tumiwalag. Siya mismo ang nakatuklas sa mga kamaliang pamamalakad ng grupo at panlilinlang para manatili sa hanay.
Sabay-sabay natin alamin kung ano ang tinatawag na Fastrac Program ng DOST at ano ang naitutulong nito sa ating researchers.
Para tunay na makamit ang kapayaan, kailangan hindi puro salita, dapat may aksyon! Iyan ang pinatunayan ng Malaybalay National High School Bukidnon, sa pagbuo ng samahan kung tawagin ay “Sandigan” Sanib-pwersa ang eskwelahan, magulang, estudyante at militar sa pagsasawaga ng mga symposium para matalakay ang kahalagahan ng kapayaan sa komunidad.
Ano nga ba ang sakit sa balat na cellulitis?
Ano ang appendicitis, mga karaniwan nitong sintomas, pag-iwas at lunas sa sakit na ito?
Umaasa lang sa suporta ng may mga mabubuting kalooban ang mga estudyante na mula sa iba’t ibang tribu ng Indigenous People o IP sa ating bansa na nag-aaral sa Luyungan IP High School, ang nag-iisang secondary IP school sa South East Asia na matatagpuan sa Nasuli, Malaybalay City, Bukidnon. Problema nila ang supply ng pagkain at inumin, gamot, tulugan at mga gamit sa pag-aaral para maka-survive. Ngayong Pasko, sana ay maging isa ang mga estudyante ng Luyungan IP High School sa mga tatanggap ng aginaldo mula sa atin. Kumakatok tayo sa ating mga kababayan na ipadama sa mga IP students ang tunay na diwa ng pagmamahalan at pagbibigayan, para mailayo rin sila sa radicalization ng CPP-NPA.
Alamin kung ano ang early intervention at mga benepisyo nito sa mga batang may developmental delay.
Ang TESDA ang isa sa mga susi kung bakit halos linggu-linggo, daan-daang NPA ang sumusuko at tinatanggap ang alok na panibagong buhay para sa kanila ng Duterte administration.
Ating unawain ang mundo at katangian ng mga batang nasa pre-kindergarten stage kasama si Miriam College College of Education Dean Trixie Sison.
Pakinggan kung ano ang kahalagahan ng play o laro sa holistic development ng isang bata maging ang mga stratehiya nito.
Marami na sa mga dating rebeldeng NPA na nagbalik-loob sa gobyerno ang sumailalim sa mga programang nakapaloob sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at nakatapos ng Alternative Learning System o ALS. Ang iba sa kanila ay sinasanay rin ng Philippine Army para maging regular na miyembro ng Armed Forces of the Philippines.
Parami na nang parami ang nagbabalik-loob na miyembro ng CPP-NPA. Nagtatagumpay ang pormula ni Pangulong Rodrigo Duterte na whole-of-nation approach para mawakasan na ang limang dekadang problema sa local insurgency.
Armado at lubhang mapanganib si Esterlita Suaybaguio, isang mataas na lider ng CPP-NPA. Siya ang inatasan ng pamunuan ng mga terorista upang maghasik ng lagim sa Metro Manila at mag-train ng mga kabataan para sumapi sa kanilang kilusan. Narito ang kanyang kuwento.
Tatlong bangkay ang nahukay ng SOCO sa isang barangay sa Bukidnon. Ayon sa testigo, pinatay ang mga ito ng mga rebeldeng NPA.
Marami nang lugar sa Pilipinas ang nagtuturing sa mga miyembro ng CPP-NPA bilang ‘persona non grata’ o hindi tanggap sa kanilang komunidad. Isa na rito ang Kidapawan City na nagsagawa pa ng protest rally para palayasin ang mga terorista.
Aktibong student leader noon si Lala hanggang sa tuluyan nang maging regular member ng NPA. Sa loob ng kilusan niya nakilala ang kanyang naging mister na isang NPA commander. Sumilip sa behind-the-scenes at totoong kwento ng drama sa buhay ng mga lokal na komunista.
Natuklasan ng militar na target din ng recruitment ng NPA ang mga inosenteng menor de edad sa malalayong barangay na hindi marunong bumasa at sumulat dahil madali silang mahikayat. Pakinggan ang kuwento ng ilang “child soldiers” na nagsuko na ng kanilang armas.
Maraming kababayan natin sa malalayong nayon ang hindi masyadong abala sa buong maghapon kaya ginagawa rin silang target sa recruitment ng CPP-NPA. Pakinggan ang hakbangin ng sanib-pwersa ng DILG, AFP at iba pang government agencies para masawata ito.
Isang kabataan ang nagpaalam sa kanyang mga magulang na magtrabaho sa Cagayan De Oro noong 2017. Ang hindi alam ng mga ito, na-recruit na pala siya ng mga NPA na sumama sa kanilang hukbo. Pakinggan ang buong pangyayari.
Dahil sa hirap ng buhay at walang tigil na pagtugis ng militar sa mga rebeldeng tulad nila sa kabundukan, kusang loob na sumuko ang mag-asawang sina Jomel at Jelyn na miyembro ng New People’s Army o NPA mula sa Impasug-ong, Bukidnon. Alamin natin ang kanilang buong kwento.
Kahirapan sa buhay, kakulangan sa makakain at kawalan ng katahimikan—ilan lang ang mga ito sa mga dahilan kung bakit mahigit sa 70 rebeldeng NPA ang tumalikod na sa kanilang kilusan at sumuko sa gobyerno. Narito ang kanilang mga kuwento.
Mahigit 70 residenteng pinangakuang pupuntahan ang isang housing project para sa mga mahihirap para hikayating mag-rally sa harap ng Provincial Capitol ng Malaybalay City sa Bukidnon habang nagaganap ang SONA ng Pangulo sa Maynila ang ginutom at iniwan pa ng mga organizer.
Hindi lubos maisip ng mga kapatid nating Indigenous People (IP) na tumulak sa Amerika upang makipagdiyalogo sa tunay sa sitwasyon ng mga katutubo na sila’y makatatanggap ng pambabastos mula sa mga kapwa Pilipino, Fil-Am at banyaga na kasapi ng mga militanteng grupo.
Alamin ang mga dapat gawin para makaiwas sa Leptospirosis mula kay Dr. Claro Cayanan.
Paano maiiwasan at bibigyang lunas ang sakit na Foot-and-mouth disease (FMD)? Alamin kay Dr. Claro Cayanan.
Samahan si Dr. Claro V. Cayanan sa usapin ng Dengue outbreak sa ating bansa.
Babala ng PAGASA na sa loob lamang ng 48hrs maaring kumalat sa mga alagang baboy ang Swine Fever
Alamin ang 5 Cs upang maiwasan ang mininformation at disinformation mula kay PCOO adviser Pia Morato.
Alamin ang mga nilalamang benepisyo ng Expanded Maternity Leave Law.
Ano ang ibig sabihin ng terminong cybersecurity? Pakinggan sa paliwanag na ito.
Dahilan ng pagkakaroon ng cervical cancer at risk factors ng kababaihan
Ganap nang batas ang Safe Streets and Public Spaces Law o Anti Bastos Bill. Alamin ang sakop at layunin ng batas na ito.