!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Unli kainan, patok ngayon sa masa
By Mary Rose Rocero - October 22, 2019 , 10:29 am

Sa dami ng mga restaurant ngayon sa Metro Manila, malilito ka na talaga kung saan mo gusto kumain.

Sabayan mo pa ng unli-samgyupsal craze ngayon.

Dahil jan, pumatok na rin sa masa ang iba’t ibang kainan na may unlimited serving, hindi lamang pang-samgyupsal, maging sa iba pang putahe.

1. Unli Crab & Prawn by Chef Roel
Huwag na kayong magtaka kung bakit ito ang napili ng may-ari na putahe dahil mayroon silang sariling fish farm ng kanilang crabs at shrimp.

Ito rin ang kauna-unahang unli crab & shrimp sa Bulacan.

Sa kainan na ito, mayroong unli shrimps, unli crabs, unli drink at unli rice.

Naghahanda rin dito ng iba’t ibang luto tulad ng Sweet Chili Crab, Buttered Garlic Shrimp at Satay Curry Shrimps & Crabs.

Maaari niyo nang matikman ang kanilang unlimited crabs & shrimps sa halagang P599 (per person) sa loob lamang ng 1 hour at 45 minutes.

Pumunta lang sa Block 6 Capitol View Park Subdivision, Malolos, Bulacan.

2. NJ’s Unli Ihaw Sa Naic
Kung bet niyo naman ang mga pagkaing iniihaw na unlimited, mayroon na nito sa Cavite.

Mayroon ditong isaw ng baboy at manok, betamax o dugo ng baboy, helmet o ulo ng manok, paa ng manok, barbeque, leeg, hotdog at iba pa.

Ikaw ang mag-iihaw ng mga nais mong kainin.

Sa halagang P199, masusubukan niyo na ang kanilang ihaw-all-you-can at may kasamang din na eat-all-you-can buffet.

Huwag mag-alala dahil walang time limit ang pagkain dito.

Pumunta lang sa Malainen Bago, Cavite at bukas ito mula Lunes hanggang Linggo, mula alas-dos ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi.

3. Homebaked Cakes & Pastries
Mayroon ditong cakes, cupcakes, muffins, snacks, frappes at shakes.

Sa halagang P49, matitikman niyo ang kanilang mga desserts sa loob ng isang oras.

Pumunta lang sa 48 Benefits, Project 8, Quezon City at bukas ito mula ala-una ng hapon hanggang alas-sais ng gabi.

YOU MIGHT ALSO LIKE