Sports na Padel, unti-unti na ring nauuso sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinusuportahan ngayon ni Senator Pia Cayetano ang p agpapalakas ng Padel Sports sa bansa.

Ito ay matapos mag-uwi ng karangalan ang mga batang manlalaro sa katatapos lamang na Asia Pacific Padel Tournament na ginawa sa Hong Kong kamakailan.

Ayon kay Sen. Cayetano, mahalagang mabigyan ng pagkakataon na maipakilala ang bagong laro na ito na kagigiliwan ng maraming Kabataan.

Ang Padel Sports ay pinagsamang table at long tennis gamit ang mga raketa na gawa sa rubber.

Ito ay unang ipinakilala sa Europe at kumalat na hanggang America, Asia, Australia at maraming dako pa ng mundo.

Sabi ng senator, hindi pang mayaman ang naturang laro dahil kahit sino ay maaaring gumawa nito.

Sa ngayon, unti-unti ng nagsisimula ang paglaganap ng larong Padel sa Pilipinas dahil meron na ito ngayon sa Baler Aurora. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us