Sen. Manny Pacquiao, bibigyan ng hero’s welcome ng AFP
January 22, 2019

Inihahanda na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang hero’s welcome para kay Pambansang Kamao at Fighting Senator Manny Pacquiao.

Ito’y matapos maidepensa ni Pacman ang kaniyang korona ng World Boxing Association (WBA) Welterweight World Champion kontra kay Adrien Broner noong linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, nais niyang ipakita ang buong suporta ng militar sa senador na nagdala ng karangalan sa sambayanang Pilipino.

Si Paquiao ay isang Military Reservist na may ranggong koronel.

Noong araw ng laban ni Pacquiao, ipinag-utos ni Madrigal ang pagkakasa ng mga wide screen sa iba’t ibang mga kampo Militar upang mapanood ng mga sundalo ang bakbakang Pacquiao-Broner Live via Pay per View.  | ulat ni Leo Sarne